
Mga Widget
Ang mga widget ay maliliit na application na direkta mong magagamit sa iyong Home
screen. Gumagana rin ang mga ito bilang mga shortcut. Halimbawa, nagbibigay-daan sa
iyo ang widget ng Panahon na makita nang direkta sa iyong Home screen ang
pangunahing impormasyon sa panahon. Ngunit kapag tinapik mo ang widget, bubukas
ang buong application na Panahon. Maaari kang mag-download ng mga karagdagang
widget mula sa Google Play™.
20
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

Upang magdagdag ng widget sa Home screen
1
I-touch at tagalan ang isang bakanteng bahagi ng iyong Home screen hanggang
sa mag-vibrate ang device, pagkatapos ay tapikin ang
Mga Widget at Apps.
2
Hanapin at tapikin ang widget na gusto mong idagdag.
Upang baguhin ang laki ng isang widget
1
I-touch at tagalan ang widget hanggang sa mapili ito, pagkatapos ay i-release ang
widget. Kung maaaring mabago ang laki ng widget, halimbawa, ang widget ng
Kalendaryo, may lilitaw na frame sa pag-highlight at mga tuldok sa pagbabago ng
laki.
2
I-drag ang mga tuldok papasok o palabas upang paliitin o palawakin ang widget.
3
Upang kumpirmahin ang bagong laki ng widget, tumapik saanman sa Home
screen.
Upang ilipat ang isang widget
•
I-touch at tagalan ang widget hanggang sa mapili ito, pagkatapos ay i-drag ito
papunta sa bagong lokasyon.
Upang magtanggal ng widget
•
I-touch at tagalan ang widget hanggang sa mapili ito, pagkatapos ay i-drag ito sa
.